^

Bansa

2 SAF officials sibak sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinibak na sa puwesto kahapon ang dalawang opisyal ng PNP-Special Action Force matapos na pumalpak sa seguridad kaugnay ng madugong pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na ikinasawi ng walo nitong tauhan habang pito pa ang nasugatan sa Allacapan, Cagayan nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ni PNP-SAF Chief P/Director Supt. Carmelo Valmoria ang mga tinanggal sa puwesto na sina Supt. Dante Lobos, Commander ng 2nd Special Action Battalion at Sr. Inspector Ronnie Albino, Chief ng 24th Special Action Company.

Ayon kay Valmoria, lumitaw na nasa 30 metro lamang ang layo ng itinanim na landmine ng mga rebeldeng NPA mula sa pinanggalingan ng mga 15 miyembro ng SAF na matapos ang pagsabog ay niratrat pa ng mahigit 30 armadong mga komunista.

Sinabi ni Valmoria na hindi nagsagawa ng route security at pag-iinspeksyon ang mga miyembro ng SAF bago dumaan sa lugar na isang kilalang ambush site.

Sinibak ang dalawang opisyal base sa isyu ng ‘command responsibility’ sa pagkamatay ng 8 nitong tauhan.

Kabilang sa mga nasawi sina PO3 Vladimir Tabarejo, PO2 Dexter Cubilla, PO1 Erick Brioso, PO2 Angelbert Mateo ,PO2 Elmark Rodney Pinated, PO1Jerome Sanchez, PO2 Jonnel Bowat na pawang dead-on-the-spot habang dead on arrival sa pagamutan si Ronald Castulo.

Ang mga inambush na SAF ay wala sa combat mission at naka-athletic uniform para sumailalim sa ECG ng mangyari ang insidente.

ANGELBERT MATEO

CARMELO VALMORIA

CHIEF P

DANTE LOBOS

DEXTER CUBILLA

DIRECTOR SUPT

ELMARK RODNEY PINATED

ERICK BRIOSO

JONNEL BOWAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with