8 man team ng NBI nasa Taiwan na

MANILA, Philippines - Nasa bansang Taiwan na ang 8 man team ng National Bureau of Investigation (NBI) para mangalap ng dagdag na ebidensiya hinggil sa ginagawa nilang imbestigasyon sa pagkakapatay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang Taiwanese fisherman na illegal na nangisda sa Balintang Channel.

Bahagyang nabalam ang pag-alis ng mga  ahente ng NBI sa pangunguna ni Atty. David Daganzo, team leader dahil pinigilan ang mga ito sa Immigration area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 ilang minuto bago sila sumakay ng eroplano patu­ngong Taiwan dahil sa kakulangan ng mga ito ng travel authority.

Ayon sa ulat, walang travel documents na naipakita ang mga tauhan ng NBI dahil biglaan umano ang kanilang pag-alis.

Gayunman, pinayagan din makaalis, makasakay ng eroplano patungo ng Taiwan ang grupo ni Atty. Daganzo.

Nais ng grupo ni Atty. Daganzo na eksaminin ang sasakyang pandagat na sinakyan ng napatay na Taiwanese national at magtanong sa iba pang mangi­ngisda na kasamahan nito.

Show comments