MANILA, Philippines - Mahahati ang nabuong kowalisyon ng Liberal Party at Nationalista Party na binuo sa nakaraang midterm election kung magkakabangga para maging presidente ng Senado sina Senators Franklin Drilon at Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Cayetano hindi dapat mangyari ang paglalaban ng dalawang senador na nasa loob ng kowalisyon kaya dapat magkaroon ng kasunduan ang mga senador na kabilang sa kowalisyon.
“Dapat hindi (maglaban ang dalawang miyembro ng kowalisyon) dahil pangit. Kung talagang hindi maiiwasan na may dalawa sa coalition na gusto, it should be settled by consensus within the coalition at hindi na mag battle out,†sabi ni Cayetano.
Mahalaga rin aniya sa LP at NP na linawin ang kaniÂÂlang mga isyu at kung ano ang mga priority legislation nila sa susunod na tatlong taon.
Kapwa lumulutang ang pangalan nina Drilon at Cayetano na maglalaban sa Senate Presidency lalo pa’t mas maraming kandidatong senador ang Team PNoy na nanalo sa nakaraang senatorial elections.
Nang tanungin si Cayetano kung interesado siya sa posisyon sinabi nito na “I think everyone is interested…Hipokrito lang ang magsasabi na tatanggihan niya yung Senate Presidency,†ani Cayetano.