Pagbawi sa mga L-300 vans, itinanggi ni JV
MANILA, Philippines - Itinanggi ni Senator-elect Joseph Victor Ejercito ang naglabasang ulat na binawi niya ang mga L-300 vans na donasyon niya sa mga barangay sa San Juan City dahil sa hindi pagsuporta sa kandidatura nito sa nakalipas na midterm election.
Ayon kay JV, hindi umano patas ang alegasyon ng pagbawi niya ng mga “orange vans†dahil sa “landslide victory†ng Partido Magdiwang sa San Juan.
Kasalukuyang nasa posesyon pa umano ng 21 barangay sa San Juan ang mga vans.
Nilinaw nito na nag-utos lamang ang Barangay Operation Center ng City Government of San Juan ng imbentaryo makaraang makatanggap ng ulat na pampersonal ang gamit sa mga sasakyan at hindi para sa paghatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan.
Sinabi nito na walang pinipili sa naturang pagpapa-recall sa mga sasakyan dahil sa maging mga barangay na sumuporta sa kandidatura ni Rep. Ronnie Zamora tulad ng Brgys. Little Baguio at Isabelita ay ini-recall rin ang mga vans habang ang ilang barangay na lumaban naman sa kandidatura ni Zamora tulad ng Brgys. West Crame at St. Joseph ay nananatili sa kanila ang mga sasakyan.
Totoong nanggaling ang pagbili sa mga L-300 orange vans sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel†ni Estrada ngunit iginiit nito na wala na siyang superbisyon dito dahil sa nai-turn over na niya ang mga sasakyan sa lokal na pamahalaan.
- Latest