ERVIs lumobo sa 90 –PNP
MANILA, Philippines - Lumobo sa 90 insidente ng Election Related Violence Incidents (ERVIs) ang naganap sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kaugnay ng ginanap na midterm elections, ayon sa opisyal ng Philippine National Police (PNP) kahapon.
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., mula Enero hanggang Mayo 13, araw ng elekÂsyon sa taong ito ay nakapagtala ang PNP ng 90 insidente ng karahasang dulot ng mahigpit na labanan sa pulitika na ikinasawi ng 52 katao habang 73 pa ang nasugatan at nasa 40 ang nakaligtas.
Sa naitalang 90 insidente ng karahaÂsan, kabilang dito ay pamamaril, ambush, pagpapasabog, paghahagis ng granada, haÂrassment at iba pa.
Inihayag ni Cerbo na magpapatuloy ang checkpoint operations sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kaugnay ng umiiral pang gunban na tatagal hanggang Hunyo 13.
Sa tala ng PNP, umaÂÂabot na sa 3,301 ang nasakote sa paglabag sa gun ban na karamihan ay mga sibilyan na nagresulta rin sa pagkakasamsam sa 3,208 mga armas umpisa.
Samantala, pinabalik na ng PNP ang nasa 30,000 puwersa ng pulisya na nagsilbing augmentation force sa eleksyon na idineploy sa 15 high risk provinces na idineklara ng Comelec .
- Latest