^

Bansa

Standoff part II sa mansion ni Bong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabulabog muli ang mansion ni Senador Ramon “Bong “Revilla Jr. matapos na muli itong palibutan ng puwersa ng PNP sa standoff part II sa Barangay Panapaan, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.

Sa skype teleconfe­rence sa Camp Crame, sinabi ni P/Chief Supt. Rommel Estolano, spokes­man ng Cavite PNP, naniniwala ang pulisya na may mga loose firearms sa mansion ni Senador Revilla kung saan nagtatago ang nasa 30-armadong ahente ng NBI.

Sinabi ni Estolano na hinihintay pa nila ang search warrant na iisyu ng mababang korte bago pasukin ang mansion ni Revilla.

Noong Lunes ng araw ng eleksyon ay pinalibutan ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT), Regional Provincial Safety Battalion (RPSB) at Bacoor City PNP ang mansion ni Revilla matapos na magtago rito ang mga armadong kalalakihan na tinugis ng pulisya.

Naaresto ang limang confidential agents ng NBI at isa nitong organic personnel na ayon kay Estolano ay kinasuhan ng usurpation of autho­rity, paglabag sa election gun ban at hindi awtorisadong pagsusuot ng uniporme bagaman nakalaya matapos na magpiyansa.

Samantala, inakusahan naman ni Sen. Revilla ang Cavite PNP ng political harassment dahil sa pagpapagamit sa kanilang mga kalaban sa pulitika.

Sa panig ni Revilla, sinabi nito sa television interview na hihilingin niya sa korte na mag-isyu ng ‘writ of amparo’ upang huminto ang PNP sa pang­ha-harass sa kaniyang pamilya.

Idinagdag pa nito na sa pagbubukas muli ng sesyon ng Senado ay  magsusumite siya ng re­solusyon upang paim­bestigahan ang insidente.

Bilang tugon, inihayag naman ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Ge­neroso Cerbo Jr. na handa ang kapulisan na humarap sa ipatatawag na imbestigasyon ni Sen. Revilla sa Senado.

BACOOR CITY

BARANGAY PANAPAAN

CAMP CRAME

CAVITE

CERBO JR.

CHIEF SUPT

ESTOLANO

NOONG LUNES

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with