GMA panalo kahit hindi bumoto
MANILA, Philippines - Bagama’t naka hospital arrest nanguna pa rin si dating Pangulong Gloria Arroyo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga.
Sa unofficial/partial tally, sa botong 129,565, tinalo ni Arroyo na miyembro ng Partido Lakas ang kanyang mga katunggaling si Vivian Dabu ng Liberal Party; at mga independent na si Charlie Chua at Lalah Leoncio.
Bigo si Arroyo na makapangampanya sa kanyang distrito dahil nananatili siyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Bukod dito hindi rin nakaboto si GMA sa kanyang hometown sa Lubao noong araw ng eleksyon dahil hindi naman umano ito humingi ng permiso mula sa korte.
Samantala, nangunguna rin ang anak ni GMA na si Congressman Dato Arroyo sa congressional race sa ikalawang distrito ng Camarines Sur.
Kalaban ni Dato si LRay Villafuerte na Outgoing Governor ng CamSur.
- Latest