PNoy todo na kay Ayong!
MANILA, Philippines - Muling hinimok ni PaÂngulong Aquino ang mga botante sa lalawigan ng Cavite na si Ayong Maliksi ang iboto sa pagka-gobernador “upang maipaabot sa mga komunidad ng lalawigan ang mga bunga ng reporma ng gobyernong tumatahak sa matuwid na daan.â€
Sa kanyang open letter sa mga Kabitenyo, mariin ang pakiusap ni Pangulong Aquino na ‘wag nang buÂmalik sa baluktot na daan, bagkus piliin ang liderato ng lalawigan na makikiisa sa gobyerno nasyunal upang isulong ang kapakanan ng taumbayan.
“Kailangan po natin ang lideratong makikiisa, ng mga makikisagwan sa iisang direksyon, ng mga makikibuhat sa halip na magiging pabigat… kaya nga po buong pananalig kong itinataas ang kandidatura ni Gobernador Ayong Maliksi,†pahayag ni Pangulong Aquino, sabay ng kanyang mariing pag-endorso rin sa bise gobernador ni Maliksi na si Jay Lacson.
“Silang dalawa po ang tiyak na makatutulong sa inyong lingkod para ipagpatuloy ang napakaganda na nating nasimulan para sa inyong lalawigan,†dagdag na pahayag ng Pangulo, na sinundan pa ng kanyang pagkilala sa umano’y mga naiambag ng Kabitenyo sa tagumpay ng administrasyon Aquino.
“Subok na po ang pamumuno ni Gobernador Maliksi. Patuloy niyang isinusulong ang mga proyektong pang-imprastruktura at mga programang pang-edukasyon, pangkalusugan at pangkabuhayan at nakatutok din po siya sa mga sektor na nangaÂngailangan, tulad ng senior citizens,†pagdidiin pa ni PNoy.
Sa huling araw ng campaign period kahapon, malinaw ang panawagan ni Pangulong Aquino sa lahat ng botante sa Cavite at sa buong bansa: Itakwil ang dayaan sa halalan bukas, tulad ng vote-buying at karahasan at igawad ang boto nang naaayon sa konsensiyang nakabatay sa mga kandidatong tumataguyod ng “tuwid na daan.â€
Si Maliksi ay inaasahang kukuha ng mahigit 700,000 boto mula sa tinatayang 80% na turnout ng 1.7 milyong botante sa lalawigan. Ang nasabing bilang ay halos siya ring nakuhang boto ni Maliksi nang manalo siyang gobernador sa huling termino noong 2007 na tinatayang mahigit 1.3 milyon pa lamang ang rehistradong botante.
- Latest