Bogus survey pinalagan ni Suarez
MANILA, Philippines - Hihilingin ni Quezon Governor David “Jayjay†Suarez sa Commission on Elections at National Bureau of Investigation na imbestigahan ang nag lilipanang mga umano’y pekeng survey na maaÂaring kumondisyon sa isip ng mga botante sa darating na halalan.
Isinagawa ni Suarez ang hakbang kasabay ng pagbatikos sa lumabas na pekeng survey na nagsasaad na lumaÂlamang sa kanya si Irvin Alcala sa gubernatorial election sa Quezon.
Peke at wala anyang basihan ang resulta ng poll survey ng Data Advisers Inc. na non-existent naman at peke.
Inilitaw sa mga pahayagan na 54.7 % ng mga botante ang susuporta kay Alcala, habang 45.7 % ang kay Suarez.
“Sa figures pa lamang, lumalabas na malaking kaÂlokohan at survey-surÂveyan lamang ang nabasa sa mga piling pahayagan. Halatang-halata despeÂrado ang kampo ni Alcala sapagkat kung susumahin ang 54.7 at 45.7, 100.4 percent ang magiging kabuuan,†natatawang pahayag ni Suarez.
Ngunit biglang kuÂmambyo si Suarez at idiÂneklara na seryoso at ma laki ang implikasyon ng naturang survey sa “aming minimithing malinis na halalan at pamamahala.â€
Isinaad sa survey na sumaklaw sa 1,200 mamamayan sa Quezon mula Abrl 29 hanggang Mayo 1 na bukod kay Alcala, mananalo rin ang kanyang running mate at tatlong ka-grupong kandidato sa pagka-kongresista. Si dating Rep. Aleta Suarez lamang ang ipinapalagay na mananalo.
Ipinaliwanag ng goÂbernador na nanghiram ng kredibilidad ang nagpalabas ng pekeng survey nang isinama sa listahan ng mga panalo ang paÂngalan ng kanyang ina.
Sa katotohan, maraÂming organisasyon sa simbahan, mga sama hang sibiko at kabaÂtaan ang nagsagawa ng kani-kanilang survey na nagsasaad ng malaking lamang ni Suarez laban kay Alcala.
Sinabi ni Suarez na ipina-background check niya ang Data Advisers Inc. na taliwas sa ibang pribadong ahensya ay ngayon lamang lumutang.
- Latest