OFWs binalaan ni Enrile sa pekeng cargo forwarder
MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ni Cagayan Rep. at United Nationalist Alliance senatorial candidate Jack Enrile ang mga overseas Filipino worker na mag-ingat laban sa mga huwad at fly-by-night na cargo forwarder.
Ginawa ni Enrile ang babala dahil sa mga ulat na ang laman ng mga balikbayan boxes na ipinapadala ng maraming OFW sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas ay napupunta lang sa mga tindahan ng ukay-ukay at second hand stores sa halip na sa dapat tumanggap nito.
Pinayuhan din ni Enrile ang mga OFWs na tumalima sa direktiba ng Department of Trade and Industry (DTI) na makipagtransaksiyon lamang sa mga cargo forwarders na accredited ng Philippine Shippers’ Bureau (PSB) upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga ipinapadalang package.
“Ang mga mamahaling alahas, perang isiningit sa mga kahon ng chocolate, Christmas decorations, at kahit health insurance document at personal na sulat (na ipinapadala ng mga OFW) ay hindi nakakarating sa kanilang pamilya at, sa halip, napupunta lang ang mga ito sa mga tindahan ng tiangge at ibang shops. Karaniwan na ngayon ang ganitong mga insidente,†puna ng mambabatas.
Kaugnay nito, isinusulong ni Enrile ang pagkakaroon ng mas mahigpit na patakaran laban sa mga bogus cargo forwarding companies.
Sinabi ng senatorial candidate na ilang customs insiders ang nagsabi na ang hindi pagbabayad ng fees ng mga cargo forwarders ang kalimitang dahilan kung bakit maraming balikbayan boxes ang naiiwan sa mga warehouse ng Bureau of Customs.
- Latest