^

Bansa

PNP nakatutok sa 180 pol. rivalry

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa kabuuang 180 mga insidente na may mahigpit na labanan sa politika ang minomonitor ng PNP.

Sa record ng Philippine National Police, pinakamarami sa mga ito ay ang labanan sa pagka-alkalde na nagtala ng 137.

Habang may 18 intense political rivalry incidents ang naitala ng kapulisan sa congressional seats at 17 naman sa posisyon sa pagka gubernador. Mayroon namang pitong insidente ng matinding labanan sa politika na naitatala sa vice mayoralty post habang isa sa posisyong bise gobernador.

Ayon kay PNP spokesman police chief Supt Generoso Cerbo Jr., isa sa paraang ipinatutupad nila para mapigilan ang anumang karahasan na dala ng matinding labanan sa pwesto ay ang paglulunsad ng mga peace covenant.

Sinabi ni Cerbo na may 356 peace covenant na ang nai­lunsad nila sa buong bansa na nilagdaan ng 20 gobernador, 38 congressman at 497 alkalde sa buong bansa.

AYON

CERBO

HABANG

LABANAN

MAYROON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SINABI

SUPT GENEROSO CERBO JR.

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with