Ilegal toll fee ng mga kawani ng PAGCor sa GVHAI, kinondena

CAVITE, Philippines - Kinondena ng mga residente ng Gardenia Valley Homes Subd. sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite ang illegal na pangongolekta ng toll fee ng mga kawani ng Phil. Gaming and Amusement Corp. (PAGCor) na tumatayong opisyal ng GVHAI na nagsagawa ng snap election kahit walang pahintulot ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ng Southern Tagalog Region.Nanawagan na rin ang mga residente at kasalukuyang opisyal ng Gardenia Valley Homeowners Association, Inc. (GVHAI) sa pangunguna ni Wanda Dangan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan partikular na ang task force ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na arestuhin at kasuhan ang mga tauhan ng PAGCor sa iligal na gawain.

Ayon sa mga residente at lehitimong opisyal ng nasabing subdibisyon, ipinag-utos ng mga opisyal ng Pagcor na pinangunahan nina Delmar Taclibon, Rodulfo “Bebot” Manatad, Romy Javellana at Norma Vargas para mangolekta ng toll fee sa mga motoristang dumaraan sa naturang lugar sa tuwing gabi hanggang madaling-araw.

Lumilitaw na ang mga ticket ng toll fee na dapat sana  ay pag-aari ng GVHAI ay sinasabing ninakaw ng mga nag-aklas na residente sa pangunguna nina Bebot Manatad at isang alyas Jose Lacsamana na sinasabing kawani ng Phil. Airlines (PAL) at tumatayong opisyal matapos lusubin at wasakin ang kandato ng main office ng GVHAI noong Linggo ng gabi (Abril 14)  Ang kautusan ay ibinase ng mga nagsagawa ng snap election noong Marso 24, 2013 sa sertipikong ibinigay ng HLURB na sila ang tunay na elected official ng GVHAI subalit inilihim sa mga leihitimong opisyal ang nakasaad sa pinahuling ulat ng liham na walang kinalaman at responsabilidad ang nasabing ahensya sa snap election at sa isinumiteng dokumento ng mga nag-aklas.  Iginiit naman ng mga nag-aklas na mga kawani at opisyal ng PAGCor na sila ang tunay na board of directors ng GVHAI dahil suportado sila ang HLURB pero pinabulaanan naman ito ng nasabing ahensya.

 

Show comments