No read, no write mababawasan
MANILA, Philippines - Mababawasan ang mga Pilipinong hindi marunong magbasa at sumulat kung bibigyan ng insentibong tulad ng libreng pananghalian ang mga maliliit na batang mag-aaral para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng kahirapan tulad ng libreng pananghalian.
Ito ang buod ng panukalang isusulong ni dating Senator Jamby Madrigal sa Senado kung sakaling mahalal siyang muli rito.
Ipinahayag ni Madrigal ang naturang panukala kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon. Sinabi niya na seryoso niyang isusulong sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang pagkakaloob ng libreng pananghalian sa mga pinakamahihirap na estudyante sa mga pampublikonng paaralan sa bansa.
Nauna rito, nakaabot sa kabatiran ni Madrigal na kabilang sa mga dahilan ng katamaran ng ilang batang mag-aaral na pumasok sa eskuwelahan ay ang nararanasang gutom. Mas nais pa ng mga batang ito na maghanapbuhay para makabili ng pagkain kaysa sa pumasok sa kanilang klase hanggang sa tuluyan silang tumigil sa pag-aaral.
Naniniwala si Madrigal, na kung mapapakain ng libreng pananghalian ang mga pinakamahihirap na estudyante sa bansa, bababa ang antas ng mga tinatawag na “school drop-outs†na itinuturing na isa sa mga pangunaÂhing dahilan ng patuloy na mataas ng bilang ng mga mangmang na mga Pinoy.
“Kung sa umaga pa lamang, alam na ng mga mahihirap na estudyante ng pampublikong paaralan na mayroong silang siguradong libreng paÂnanghalian sa eskuwela, sisipagin silang pumasok,†paliwanag pa ni Madrigal na dati nang naglingkod bilang presidential adviser on youth.
- Latest