MANILA, Philippines - Isang batalyon pa na may kabuuang 500 sundalo ang idedeploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Misamis Oriental bunga ng tumitinding karahasan na inihahasik ng mga rebeldeng New People’s Army.
Ang hakbang ay kasunod ng pananamÂbang kay Gingoog City, Misamis Oriental Mayor Ruthie de Lara Guingona, misis ni ex-Vice President Teofisto Guingona at ina ni Senador Teofisto “TG†Guingona sa Barangay Binakalan noong Sabado ng gabi.
Nabatid na dalawang araw bago ang pananambang kay Mayor Guingona ay hinarang ng mga rebelde ang convoy ni Mayor Manuel Pamisa Jr. ng Lagonglong, MiÂsamis Oriental sa Barangay Banglay kung saan patungo sa campaign rally.
Bagaman hindi siÂnaktan ang alkalÂde ay tinakot ito na magbaÂyad ng permit to campaign( PTC) fees kung di-nais na masabotahe ang pangangampanya nito.
Ayon kay AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Alan Luga, sa kasalukuyan ay may dalawang batalyon ng sundalo sa lalawigan at karagdagang puwerÂsa na lamang ang 500 pang sundalo para mapanatili ang peace and order.