MANILA, Philippines - Hindi natinag ang pambato ng Liberal Party sa pagka-gobernador ng Cavite na si Rep. Ayong Maliksi matapos muling maungusan ang kalaban niyang si Jonvic Remulla ng partido Lakas sa Track 2 ng StratPolls survey para sa mga lokal na kandidato ng probinsiyang mahigit 1.6 milyon ang botante.
Pinaboran si Maliksi sa 54.9% ng 1,000 respondents mula 18 anyos pataas, habang 44.7% ang pumili kay Remulla sa tanong na “kung ngayon gaganapin ang eleksiyon, sino ang iboboto mo sa pagka-gobernador?â€
Maingat na pinili ng StratPolls ang mga respondents mula sa anim na lungsod at 17 bayan ng lalawigan na harapang na-interview nitong Abril 13-17, 2013.
Tulad ng Track 1 ng StratPolls, ang Track 2 ay taglay ang 98% kumpiyansa na hanggang 3.5% lamang ang “humigit-kumulang†na pagkakamali, o ‘yong tinatawag na margin of sampling error.
Ang 92.4% ng mga sumagot sa survey ang nagsaÂbing hindi na nila babaguhin ang kanilang pinili sa pagka-gobernador, 5% ang tumiyak na puwede pa nilang baguhin ang tinatawag na political preference. Dalawa’t kalahating porsiyento naman ang maaari pang magbago ang kanilang sagot.
Si Maliksi, ayon sa StratPolls Track 2, ay piniling mailuklok muli ng survey respondents mula sa tatlong lungsod at siyam na bayan ng Cavite. Ang reelection ni Remulla ay pinaboran naman sa isang lungsod at limang bayan at ang dalawang kandidato ay halos tabla sa dalawang lungsod at tatlong bayan.
Ipinakikita rin sa nasabing survey ang tinatawag na endorsement factor mula sa mga kilalang lider sa bansa tulad ng kay Pangulong Benigno Aquino na 79.5% ang nagsabing makatutulong ito sa kandidato na kanyang tutulungan, 74.4% sa respondents ang nagsabing may maitutulong din ang endorsement ni dating pangulong Joseph Estrada. Hindi isinama sa tanong ng endorsement factor and pangalan ni dating pangulong Gloria Arroyo.