MANILA, Philippines - Tila ‘naduwag at natakot’ ang Team ni Congressman Oscar Malapitan kaya hindi nila sinipot ang isinagawang Peace Covenant, na itinaguyod ng PaÂrish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na dinaluhan, sinaksihan at lumagda din ang Chief of Police ng Caloocan City na si P/Supt. Ramis Calixto.
Ayon kay Benjamin Silverio ng PPCRV, sa kabila ng wala sa hotspot ang lungsod ng Caloocan, minabuti na rin nila na magkaroon ng paghaharap ang lahat ng kandidato upang pormal na saksihan ang paglagda ng bawat isa at magka-daupang palad ang mga kandidato.
Hanggang sa pagtatapos ng signing of peace covenant ay hindi dumating ang mag-amang Malapitan na tumatakbong kongresista at pagka-alkalde ng lungsod, maging si Egay Erice na tumatakbong kongresista sa ikalawang distrito ay hindi din dumating sa nasabing mahalagang pagkakasundo sa mapayapang eleksiyon.
Kumpleto naman ang Team Echiverri mula kay Mayor Recom Echiverri na tumatakbong kongresista sa unang distrito at RJ Echiverri, na kandidato sa pagka-alkalde at ang lahat ng konsehal ay dumalo, gayundin ang ibang kandidato mula sa ibang partido.
Sinabi ni Silverio, ang hindi pagsipot ng ilang kandidato sa peace coÂvenant ay isang malinaw na hindi kumikilala sa kapayapaan at walang respeto sa mamamayan.