Kabataan sa MM may curfew na

MANILA, Philippines - Muling ipatutupad ang curfew sa Metro Manila bunsod ng mga insidente ng kriminalidad partikular na ang pagkawala ng mga bata.

Ang hakbang ng National Capital Region Po­lice Office (NCRPO) ay upang maiwasang ma­­ biktima ang mga kabataan na nagkaka-edad 13-17 anyos ng mga sindikato at maging ng mga gumagalang kriminal na nagsasamantala tuwing disoras ng gabi.

Sinabi ni Chief Ins­pector Kimberly Molitas, NCRPO spokesperson, kapag naaprubahan na ng mga LGUs ang panukala ni NCRPO Chief P/Di­rector Leonardo Espina ay ipatutupad ang curfew mula alas-10 ng gabi hang­gang alas-4 ng madaling araw.

Bunsod ito ng mga in­sidente ng mga kabataang dumalo sa mga party pero nabigo ng makauwi ng kanilang mga taha­nan.

Ayon pa kay Molitas, kinakailangan ng pag-apruba ng mga LGUs na siyang nagpapalabas ng mga ordinansa para sa maigting na pagpapairal ng curfew na mahigpit na­mang ipatutupad ng kapulisan.

Show comments