Singil sa kuryente tataas
MANILA, Philippines - Tataas ng 27-sentimo kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Abril para sa average residential customer nito na mayroong 200-kWh monthly consumption.
Ayon sa Meralco, ang power hike ay dulot ng pagtaas ng generation charge ng 20-sentimo kada kWh.
Tumaas rin naman umano ng isang sentimo kada kWh ang transmission charge at iba pang charges na tumaas naman ng anim na sentimo sa bawat kWh.
Sa kabila nito, sinabi ng Meralco na ang generation charge ngayong buwan na umabot sa P5.39 per kWh ay mas mababa pa rin ng 40-sentimo kumpara sa January 2013 level na nasa P5.79 per kWh.
Pinayuhan ng Meralco ang mga consumers na obserbahan ang energy efficiency tips upang makatipid ng kuryente ngayong summer.
- Latest