MANILA, Philippines - Itinanggi ng Team PNoy na sangkot umano sila sa massive vote-buying scheme sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga gift certificates sa tulong ng multi-sectoral group na Kaya Natin! Movement.
Ayon kay Quezon City 3rd District Rep. Bolet Banal, kuwestiyunable ang pinalulutang na isyu ng kalabang partido at iginiit na walang anumang vote-buying scheme at ang P1,000 gift certificates (GCs) o student vouchers’ ay dapat naipamahagi noon pang unang bahagi ng DisÂyembre sa tinatayang 12,000 estudyante sa District 3, habang ang P500 na GC ay para sa piling estudyante na nasa ibang distrito subalit nag-aaral sa District 3.
Ngunit dahil sa naantalang paglalabas ng pondo, natuloy lamang ang programa nitong huling bahagi ng Pebrero kayat ang dsirtibusyon ay nagsimula ng Marso 8, 2013.
Ayon pa sa mambabatas, ang programa ay bahagi ng long running “PagBasaâ€program sa kanyang distrito na nagsimula noong 2005 nang siya ay Konsehal pa lamang.
“Actually, una yan sa Valedictorian at Salutatorian sa Elementary school since 2005 ay nagpapamahagi na kami ng student voucher’s, tapos school supplies sa ibang estudyante pati na rin sa HS, ang ginawa namin ini-expand lang namin yung program para cover ang lahat hindi lamang yung mga nag-excel na estudyante,†ayon dito.
Hanggang ang mga organizers, base sa kahilingan at konsultasyon sa mga magulang ng mag-aaral at Parents Teachers Association (PTA) kabilang dito si Mr.Gil Castro, ng Jose P. Laurel High School ang nagdesisyon na bigyan na lamang ang mga beneficiaries ng kalayaan na pumili at sa halip na “cash†ay ibibigay ay GC na lamang upang matiyak na magagamit sa pagbili ng education materials at hindi magamit sa ibang paraan.