US no comment muna sa danyos sa Tubbataha
MANILA, Philippines - Tumanggi munang magkomento ang US Navy kaugnay sa sinisingil ng Philippine government na bayad pinsala sa pagsadsad ng barko nito sa Tubbataha Reef.
Sa isang kalatas, sinabi ng ahensiya na hihintayin muna nila ang pormal na report kaugnay sa isinagawang damage assessment sa bahura ng Tubbataha.
Una rito, sinasabing umaabot umano sa P60 million ang babayaran ng Amerika dahil sa insidente.
Ayon kay Tubbataha Protected Area Management Park Supt. Angelique Songco, ang naturang halaga ay batay sa pag-aaral na isinagawa ng ilang ahensya kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) matapos na masira ang umaabot sa 2,345 square meters o 25,240 square feet ng UNESCO World Heritage site. Sinabi ni Deputy Spokesperson Abigail Valte na sang-ayon naman sa batas ang hinihinging damage ng gobyerno sa US.
Sa kabila nito, nanawagan si reelectionist Senator Loren Legarda sa pamahalaan na suriing mabuti ang pinsalang nilikha ng USS Guardian gayundin ang karampatang multa sa pinsalang nilikha ng mga ito.
Ayon kay Legarda, isang environment advocate at chair ng Senate foreign relations committee, ang pagdetermina sa multa ay dapat batay sa RA 10067 o sa batas na nagbuo sa Tubbataha Protected Area Management Board (TPAMB). “The public wants to know how the USD1.4 million was assessed and who made the assessment? What violations have been determined to merit such penalty? Is the penalty enough given the range of violations?†tanong ni Legarda.
Giit naman dating Senador at environment advocate Jamby Madrigal na patawan pa ng mas mataas na multa ang pinsalang nilikha sa Tubbataha Reef.
Ayon kay Madrigal, principal author ng Tubbataha Reef Act, ang naturang batas ay ginawa para protektahan ang naturang UN-protected marine habitat kaya’t dapat lang na pagmultahin ng malaki ang US.
- Latest