MANILA, Philippines - Inutos kahapon ni Bureau of Customs ComÂmissioner Rozzano “Ruffy†Biazon na mas lalo pang palakasin ang kampanya upang masugpo ang oil smuggling sa bansa.
Ang hakbang ni Biazon ay kaugnay sa napaulat na isa sa bawat tatlong litro ng gasoline o diesel na ibinibenta sa bansa ay smuggled kung saan umaabot sa P30 bilyon hanggang P40 bilyong buwis ang nawawala sa gobyerno kada taon, dahil umano sa talamak na oil smuggling.
Tiniyak ng naturang BoC chief na mahigpit ang kanilang pangangalap ng mga impormasyon sa lahat ng mga pantalan laban sa oil smuggling at hindi siyang mangingiming banggain kung sino man ang nasa likod ng naturang illegal na gawain.
Matatandaan noong Sabado, bago mag-Semana Santa ay nagtungo ang grupo ni Biazon sa Mariveles, Bataan upang magsagawa ng inspection hinggil sa isang dumating at nakaparadang tanker kung tama ba o dumadaan ito sa legal na proseso sa pagkakarga ng langis.
Sinabi ni Biazon na hindi papayagan ng kanyang pamunuan na mamayagpag ang mga oil smuggler.