^

Bansa

Kiko, sinisi kaya nabasura ang Magna Carta of the Poor

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasalanan umano ni Senador Francis “Kiko” Pangi­linan kaya hindi pinirmahan ni Pangulong Aquino ang panukalang Magna Carta of the Poor.

Sinabi ni Alagad partylist Rep. Rodante Marcoleta, dapat na lumutang at aminin ni Pangilinan sa publiko na siya ang pumigil na idaan pa sa bicameral conference ang naturang panukala upang ang kanyang bersyon ang maipasok at maisumite kay Pangulong Aquino.

Matatandaan na binuweltahan ni Aquino si Marcoleta dahil sa komento nitong masyadong mababaw ang mga dahilan na inilatag ng Pangulo sa pag-veto nito sa nasabing panukalang batas.

Paliwanag pa ng kongresista, kung isinama lamang umano  ni Pangilinan ang bersyon ng Kamara sa bersyon ng Senado ay hindi mabi-veto ang panukala dahil malinaw dito ang hinahanap na magic word ng pangulo na “progressive realization.”

Giit pa ni Marcoleta na kung pondo lang ang kulang bakit naman napakaraming batas ang naipasa kahit walang mga alokasyon.

Aminado si Marcoleta na naging sarkastiko siya sa komento ngunit ito ay bunga lamang aniya ng pagdaramdam dahil matapos ang 12 taong pag-aalaga at pagsusulong sa naturang panukala ay nauwi lamang ito sa pag-veto.

Ngunit sa halip umano na siya ang bweltahan ni Pangulong Aquino ay dapat nitong ilutang si Pangilinan at siyang pagalitan dahil ni kudlit o tuldok mula sa bersyon ng Kamara ay hindi man lamang isinama sa kaniyang bersyon.

Si Marcoleta ang pangunahing may akda ng nasabng panukalang batas sa Kamara.

ALAGAD

KAMARA

MAGNA CARTA OF THE POOR

PANGILINAN

PANGULONG AQUINO

RODANTE MARCOLETA

SENADOR FRANCIS

SI MARCOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with