‘Anti-dynasty isyu desisyunan agad’
MANILA, Philippines - Agarang desisyon sa petisyon sa pag-disqualify sa kandidatura ng “clear and obvious cases of political dynasty†gaya ng pamilya Villafuerte sa Bicol, Duterte sa Davao, Pineda sa Pampanga at Gatchalian sa ValenÂzuela.
Ito ang panawagan ni senatorial candidate Ric Penson sa Comelec laban sa iilang pamilÂyang humahawak sa Kongreso, Senado at LGUs, ay mahigpit na ipinagbabawal sa Section 26, Article II ng 1987 Constitution na naglalayong mabigyan ng patas ng karapatan sa public service lahat ng kwalipikadong mamamayan.
Sabi ni Penson, kapag binasa ang probisyon ng 1987 Constitution alinsunod sa “3-term limit rule†sa mga governors, mayors, at councilors, malinaw na ‘di na kailangan pa ng isang batas na magpapatupad sa nasabing pagbawal sa mga political dynasty gaya ng paglipat ng pwesto sa isang anak, asawa, magulang o kapatid. Malinaw ayon kay Penson, na sinasamanÂtala ng mga naka-pwestong powerful political clans na iupo sa gobyerno ang kanilang 1st-degree relatives (asawa, kapatid o magulang at anak) upang magkaroon ng patuloy na kontrol sa pamamahala sa gobyerno bagaman mahigpit itong ipinagbabawal sa Constitution.
Sinusulong din ni actor Robin Padilla ang kandiÂdatura ni Ric Penson. Nagpalabas na rin ng mga posÂters at Facebook campaign na naghahayag ng: “Ang politika ay hindi family corporation. Dapat isa lang bawat pamilya.â€
- Latest