Hiling na permanent residency ng mga OFW sa Hong Kong, ibinasura

MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang taong pakikipaglaban, tuluyang nang ibinasura kahapon ng pinakamataas na hukuman ng Hong Kong ang petisyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na makakuha ng “permanent residency” sa nasabing bansa.

Sa ipinalabas na desisyon ng Hong Kong Court of Final Appeal, ang mga Foreign Domestic Helpers (FDHs) kasama na ang libu-libong Pilipinong kasambahay ay obligadong bumalik sa kanilang pinanggalingang bansa matapos ang kanilang employment contract sa Hong Kong.

Hindi rin pinapayagan ng korte ang mga OFWs na dalhin at kasamang manirahan sa Hong Kong ang kanilang dependents o mga anak.

Ipinaliwanag ng korte na ang pagdating at pagtanggap sa mga FDHs sa Hong Kong ay hindi nangangahulugan na maaari na silang manirahan nang permanente.

Ang desisyon ng appellate court ng Hong Kong ay kasunod sa inihaing apela at petisyon ng Pinay maid na si Evangeline Banao Vallejos, na nagtatrabaho sa Hong Kong simula pa noong 1986.

Magugunita na unang nanalo si Vallejos sa ruling na ipinalabas ng mababang korte ng Hong Kong  noong Setyembre 2011, pero umapila ang HK government.

 

Show comments