MANILA, Philippines - Walang plano ang paÂmahalaan ng Estados Unidos na makialam sa kontrobersyal na isyu hinggil sa tumitinding sigalot sa pagitan ng Sulu Sultanate at security forÂces ng Malaysia sa Lahad Datu, Sabah.
“Were not looking to respond in any manner to that invocation of treaty as a security matter that affects US or Mutual Defense Treaty in behalf of the Philippines in any manner,†pahayag ni US Ambassador Harry Thomas Jr. sa ipinatawag nitong Security and Defense Kapihan sa Embahada, Boodle Fight sa Defense Press Corps kahapon.
Sinabi ni Thomas na naniniwala ang US na tanging sina Pangulong Aquino at Malaysian Prime Minister Najib Razak ang makakaresolba sa isyu sa mapayapang paraan.
Hindi anya nila maÂpipigilan ang pamilya ni Sultan Kiram sa pagsa salita at paghingi ng ayuÂÂda sa US government para lutasin ng usapin, subalit wala umaÂno silang planong tugunan ang iginigiit na Treaty ng mga Kiram.
Sa ilalim ng Kiram Carpenter Agreement na binuo at nilagdaan noong 1915, nakasaad na kung meron mang magiging problema ang Sultanato ng Sulu sa pagbawi sa Sabah, maaari silang magÂÂpasaklolo sa gobÂyerno ng Amerika.
Iginiit ni Thomas na hindi naman nila nakikitang makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at Amerika o sa Mutual Defense Treaty ng dalawang bansa ang usapin sa Sabah.
Umaasa sila na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga Pilipinong nagsilikas sa Sabah na ngaÂyon ay nasa Tawi-Tawi na at iba pang bahagi ng Mindanao.
Ayon pa sa US envoy, maaring pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ng Pilipinas ang ikabubuhay ng mga ito at pag-usapan na lamang ng mabuti ang nangyayaring sigalot.
Nilinaw rin ni Thomas na hindi itinuturing ng Estados Unidos na isyu ng seguridad ang Sabah.