MANILA, Philippines - Iginapos muna ang dalawang kamay sa gilid ng kama bago hinalay ng isang ama ang 15-anyos nitong anak na dalagita sa Mandaue City, Cebu kamakalawa.
Lumuluhang dumulog sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Riza upang ipagharap ng reklamo ang sarili nitong ama. Ang biktima ay bunsong anak sa tatlong magkakapatid.
Sa ulat ng Lapu-Lapu City Police, pasado alas-2 ng madaling araw ng maalimpungatan ang biktima na iginagapos ng kaniyang ama ang kaniyang mga kamay matapos itong pumasok sa kaniyang silid sa kanilang tahanan sa Brgy. Canduman ng lungsod.
Kasunod nito ay hinalay ang biktima ng kaniyang ama kung saan nang tangkain niyang sumigaw ay tinakpan nito ang kaniyang bibig.
Kinaumagahan nagawa namang makawala ng biktima sa pagkakagapos at dito na ito naglakas loob na isuplong ang ama sa pulisya.
Ayon kay Sr. Insp. Luis Alama, hepe ng Canduman police precint, naaresto naman ang suspek sa follow-up operations ng mga awtoridad.
Sa himpilan ng puÂlisya, ikinatwiran naman ng suspek na laÂsing umano siya at hindi niya alam na ginahasa niya ang kaniyang anak. Kasalukuyanng humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.