^

Bansa

15-anyos iginapos, hinalay ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginapos muna ang dalawang kamay sa gilid ng kama bago hinalay ng isang ama ang 15-anyos nitong anak na dalagita sa Mandaue City, Cebu kamakalawa.

Lumuluhang dumulog sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Riza upang ipagharap ng reklamo ang sarili nitong ama. Ang biktima ay bunsong anak sa tatlong magkakapatid.

Sa ulat ng Lapu-Lapu City Police, pasado alas-2 ng madaling araw ng maalimpungatan ang biktima na iginagapos ng kaniyang ama ang kaniyang mga kamay matapos itong pumasok sa kaniyang silid sa kanilang tahanan sa Brgy. Canduman ng lungsod.

Kasunod nito ay hinalay ang biktima ng kaniyang ama kung saan nang tangkain niyang sumigaw ay tinakpan nito ang kaniyang bibig.

Kinaumagahan nagawa namang makawala ng biktima sa pagkakagapos at dito na ito naglakas loob na isuplong ang ama sa pulisya.

Ayon kay Sr. Insp. Luis Alama, hepe ng Canduman police precint, naaresto naman ang suspek sa follow-up operations ng mga awtoridad.

Sa himpilan ng pu­lisya, ikinatwiran naman ng suspek na la­sing umano siya at hindi niya alam na ginahasa niya ang kaniyang anak.  Kasalukuyanng humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

AYON

BRGY

CANDUMAN

CEBU

IGINAPOS

LAPU-LAPU CITY POLICE

LUIS ALAMA

MANDAUE CITY

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with