Kumpisal ibinibisto… paring ‘tsismoso’ kinondena
MANILA, Philippines - Kinondena ni Albay Representative Edcel Lagman ang mga paÂring ‘tsismoso’ na pati ang sikretong kumÂpisal ng mga katoliko ay kaÂnila umano ng ibinibisto.
Ito ay matapos na sabihin umano ni Father Melvin Castro, Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na napansin nila sa mga katoliko na dumarami ang mga nangungumÂpisal ng kasalanan sa paggamit ng artificial contraceptives at huÂmingi ng patawad dito dahil nagising sa matinÂding oposisyon ng simbahan sa RH law.
Giit ng mambabatas, hindi na kailangang gawin pa ito ng mga pari para lamang buhayin ang talo ng laban sa RH law.
Ayon kay Lagman, lantaran umano itong paglabag sa panuntunan ng simbahan na isiwalat ang subject ng kumpisal, lalo na ang pagkakakilanlan ng mga nangumpisal.
Sa lahat umano ng pagkakataon, kailaÂngang pairalin ng mga pari ang absolute secrecy ng kumpisal dahil kaakibat nito ang tiwala ng humihingi ng kapatawaran.
Pinaalalahanan din ni Lagman ang mga pari na kahit sa rules of court ay itinuturing ang kumpisal bilang absolute privilege communication na excommunication ang parusa dito kung pagbabasehan ang canon law.
- Latest