H indi lang sa pagÂhahatid ng mga makabuluhang balita kilala ang Pilipino Star Ngayon.
Dahil sa ito ay diÂsenteng pahayagan, paborito rin itong gaÂmitin ng mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan.
Kaya nga taun-taon, grupo-grupo ng mga estudyante partikular ang may kursong mass communication at journalism ang matiyagang naghihintay sa aming tanggapan para lamang ma-accommodate sila na dito sumailalim ng kanilang practicum.
Ikinakalat namin sila sa aming mga field reporters para sa labas humanap ng kaalaman, kung saan aktuwal nilang nararanasan ang pagkokober ng balita.
Ito ay para mas maintindihan nila at maranasan kung ano at paano ang propesÂyon na kanilang papasukin sakaling maÂkatapos na sila ng kanilang pag-aaral.
Tinitiyak din ng aming pahayagan na ang kanilang training ay hindi nasasayang at sa pagtatapos ng kanilang pagsasanay, siguradong mayroon silang natutunan.
Kadalasan pa nga kahit tapos na ang oras na kinakaila-ngan para sa kanilang practicum, ninanais at nakikiusap pa ang mga mag-aaral na sana ay maipagpa-tuloy ang kanilang training dahil nga raw sa kakaibang karanasan at kaalaman ang kanilang naka-kamit sa aktuwal na pamamaraan.
Maging ang pamunuan ng kanilang mga paaralan ay paboritong irekomenda sa kanilang mga mag-aaral ang aming pahayagan.
Hindi naman talaga ito maikakaila at kitang-kita kung gaano ang bilang ng mga estudyante na kasa-kasama ng aming mga reporters na nagkokober sa field.
Hindi lang sa practicum o training naging paborito ang Pilipino Star NGA-YON, kundi mismong sa mga paaralan madalas din itong gami-ting mga reference o pagkukunan ng impormasyon ng mga mag-aaral.
HIndi rin pahuhuli ang PSN sa serbisyong publiko.
Sa mga nailalathala naming mga panawagan at laÂrawan ng mga nawawala, nagagalak kami kapag tumangÂgap nang pasasaÂlamat dahil naging daan kami sa pagkakatagpo sa mga nawawalang mahal sa buhay ng aming mga readers.
Sa pagsapit ng PSN sa ika-27 taon, maÂkakaasa ang aming mga readers na mas pag-iibayuhin pa naÂmin ang aming paglilingkod, kagalakan namin na mabigyan kayo ng kasiyahan kahit sa maliit na paÂraan.
Marami pong salamat sa inyong lahat!