6.2 milyon na ang nakikinabang sa 896, 148 koneksyon ng tubig sa Manila Water
Umabot na sa 896,148 ang pangkalahatang bilang ng koneksyon ng malinis at maiinom na tubig ang naikabit ng Manila Water para sa higit na 6.2 katao na nakatira sa silangang bahagi ng Kalakhang Maynila at ilang bayan ng Rizal sa pagsasara ng 2012.
Sa bilang na ito, 844,890 o 94 percent ang naikabit ng Manila Water sa mga kabahayan samantalang 51,258 o 6 percent naman ang bilang ng naikabit sa mga commercial at industrial establishments.
Ayon sa pahayag ni Manila Water East Zone Business Operations Group Director Ferdinand Dela Cruz, patuloy ang adhikain ng Manila Water na makapagbigay ng malinis, tuloy-tuloy at maiinom na tubig sa mga residente ng kanilang nasasakupan.
Siniguro rin ni Dela Cruz na mataas ang kalidad ng tubig na nanggagaling sa mga planta at dumadaloy sa iba’t ibang linya ng tubo patungo sa mga konsumer.
Pasado rin ang Manila Water sa mahigpit na pamantayan ng Philippine National Standards for Drinking Water.
- Latest