‘Thank Heaven its 27’
Sa ika-17 ng Marso 2013, ipagdiriwang ang ika-27 anibersaryo ng Pilipino Star Ngayon.
Thank heaven its 27. Hindi halos natin napansin na 27-anyos na pala ang pinakamamahal nating pahayagan na itinuring nating parang sarili nating anak, kapatid o magulang.
Sa nakaraang mga taon na ito, ilang pangulo na ang nagdaan, ilang mga opisÂyal na ng gobyerno ang umalis ngunit nananatili pa ring matatag at patuloy ang serbisyo publiko ng Pilipino Star Ngayon.
Ang bawa’t isa sa ating mga kawani at mga opisyal ng pahayagang ito, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas, ay iisa ang adhikain, ang magpatuloy ang sirkulasÂyon ng pahayagang ito na ang pangako ay makapagbigay ng mga balita at makabuluhang mga impormasyon sa publiko.
Tuwing ika-17 ng Marso, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang pagsilang ng ating mahal na pahayagan, kundi upang pasalamatan din ang mga mambabasa na patuloy na tumatangkilik sa Pilipino Star Ngayon.
Kinagigiliwan ng mga mambabasa ang nilalaman ng ating pahayagan dahil hindi lamang balita ang inilalaan natin sa kanila kundi iba’t ibang mga impormasyon na maaari nilang mapakinabangan lalo na ang mga batang mag-aaral.
Nakatutulong din ang pahayagang ito sa pagpapalaganap ng ating sariling wika, ang wikang Filipino. Ang ating pahayagan din ang tinatangkilik ng mga paaralan dahil bukod sa mahalagang mga impormasyong taglay nito, ang Pilipino Star Ngayon ay marangal at malinis na ating maipagmamalaki sa lahat.
Salamat sa iyo Panginoon, sa patuloy na paggabay sa amin na maipagpaÂtuloy naming maipagkaloob ang serbisyo-publiko sa mamamayan.
- Latest