^

Bansa

Bonggang isyu, bonggang selebrasyon sa PSN anniversary

Jo Lising-Abelgas - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaga pa lamang bago sumapit ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Pilipino Star Ngayon (PSN), excited na ang mga empleyado dahil sa mga programang inihahanda.

Isang buwan bago mag-anibersaryo, sunud-sunod na ang nagaganap na meeting ng mga departamento bilang prepa­rasyon sa bonggang anniversary issue.

May ilang taon na ring hindi bababa sa 100 pahina ang kadalasang inilalathala ng PSN sa aming anniversary issue.

Hindi magkanda­ugaga ang advertising department ng PSN sa pagtanggap ng mga ads para sa nasabing issue.

Sa amin naman sa editorial, kaila­ngang maaga ring maihanda ang mga ilalathalang mga article. Ilang ga­bing pu­yatan para sa daang pahina.

At kapag natapos na ang deadline para sa lahat ng pahina  na nakatakdang ilabas, sa circulation department naman naka­atas ang pagsasaayos at distribution nito. Kaka­ila­nganin ang ma­ra­ming ta­uhan para sa insertion.

Pero kapag natapos na ang lahat ng ito, ang kasunod naman ay ang mga bongga nang pagsasama-sama sa selebrasyon.

Laging bongga ang ganitong mga pagdiriwang sa PSN na talaga namang inaabangan ng mga empleyado. Bukod sa mga bonggang pagkain, may bonus at mga regalo pa buhat sa management.

Dobleng selebras­yon pa ngayon ang aming­ ipagdiriwang dahil ang PSN ang napili na Newspaper of the Year (Filipino) sa kaga­ganap pa lamang na 11th  Gawad Tanglaw.

Isang malaking karangalan na kilalanin ng isang prestihiyosong award giving body na lalong nagpatingkad sa aming selebrasyon.

Bukas ang selebras­yon sa aming opisina, marami na namang sorpresa na inihanda.

Happy anniversary sa ating lahat!

 

BUKAS

BUKOD

DOBLENG

GAWAD TANGLAW

ISANG

NEWSPAPER OF THE YEAR

PILIPINO STAR NGAYON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with