Imported na sasakyan, float glass naharang
MANILA, Philippines - Nasa P30 million halaga ng mga smuggled na imported na sasakyan at float glass ang ininspeksyon kahapon ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon sa Tipasco Port, Davao.
Kasama ni Biazon si Davao Port District Collector Atty. Martiniano Bangcoy at ilang kawani ng BoC na nag-inspection sa isang 40-footer container van na naglalaman ng tatlong smuggled imported na sasakyan na nasabat ng kanyang mga tauhan noong Pebrero 21, 2013 sa Tipasco Port.
Ang mga ito ay ang 2003 Mini Cooper na may internet book, na ang halaga ay nasa 1,100,000 Japanese Yen (P463,891.21), isang 2003 Nissan 350 Z, na mayroon ding internet book, na nasa US$ 34,688.00 (P1,408,387.61) at isang 2006 Range Rover SUV, na mayroon ding internet book, na nasa US$ 29,900 (P1,213,987.24).
Ang mga ito’y mula sa Long Beach, USA at ang consigned nito ay ang Ranths General Merchandise.
Bukod ito, nagsagawa rin ng inspection si Biazon sa 10 forty footer container van na naglalaman naman ng Bronze Victory Float Glasses, na nasa P25 million na mula China.
- Latest