Pagkain, fuel tumaas ang presyo sa Tawi-Tawi
MANILA, Philippines - Nagtaasan na ang presyo ng pagkain at fuel sa Tawi-Tawi habang patuloy sa pagbuhos ang mga evacuees mula Sabah, Malaysia.
Nabatid kay DILG Sec. Mar Roxas na nakipagpulong kay Tawi-Tawi Governor Sadikul Sahali at mga local government units, nangangailangan na ng karagdagang supply ng bigas sa lalawigan bunga ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga evacuees galing sa Sandakan, Semporna at Lahad Datu.
Sa kasalukuyan, umaÂabot na sa 2,000 evacuees ang nagdatingan sa Tawi-Tawi matapos na 500 pang Pinoy evacuees na galing sa Sabah ang dumating sa Bongao kahapon.
Samantala, 35 katao na pawang mga armado na hinihinalang tauhan ni Sultan Jamalul Kiram ang nasabat ng Philippine Navy. Binubuo ng isang babae at 34 lalaki ang mga ito.
- Latest