^

Bansa

Bitay sa OFW ‘go’ na!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hanggang bukas na lang ang taning sa OFW na bibitayin sa Saudi Arabia para maibigay ang P44 mil­yong blood money na hinihingi ng pamilya ng biktima kung hindi ay itutuloy na ang naudlot na pagpugot sa ulo ng nasabing Pinoy. 

Nabatid na matatapos na ang apat na buwang extension o reprieve na ibinigay ng aggrieved party sa Marso 12, 2013 sa pamil­ya ng bibitaying si Joselito Zapanta, 32-anyos, tubong Bacolor, Pampanga upang maipasa ang P44 milyon mula sa naunang demand na P55 milyon.

Ayon kay Vice President Jejomar Binay, tumatayong Presidential Adviser on OFWs’ Concerns na nakapagbukas na ng bank account para kay Zapanta ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at may inisyal na itong P4 milyon deposito mula sa ambag ng gobyerno para sa nasabing blood money.

May isang indibiduwal rin aniya ang nagbigay ng P1 milyon na naipasok na rin sa nasabing bank account.

Si Zapanta ay nakatakda sanang pugutan ng ulo noong Nobyembre 14, 2012 subalit hindi natuloy matapos pumayag ang pamilya ng Sudanese national na bigyan pa ng 4-buwang palugit ang pamilya Zapanta para sa blood money at ibinaba rin ito sa 4 milyong Saudi Riyal mula sa naunang demand na 5 milyong SR dahil na rin sa matiyagang pakikipag-usap ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs, Phl Embassy at OVP sa aggrieved party.

Hinatulan ng Saudi Court of First Instance ng parusang bitay si Zapanta noong Abril, 2010 dahil sa pagpatay sa kanyang Sudanese landlord na pilit siyang sinisingil sa upa ng kanyang tinutuluyan na nauwi sa pambubugbog kaya napukpok nito ng martilyo ang biktima at pinagnakawan pa umano noong Hunyo 2009.

Sa rekord ng DFA, si Zapanta ay nagtungo sa Saudi noong Oktubre 14, 2007 at nagtrabaho bilang tile setter upang masuportahan ang dalawang anak at magulang sa Pampanga. Anim na buwan siyang hindi nakatanggap ng suweldo mula sa unang employer at napilitang mag-apply ng ibang trabaho at amo hanggang sa makakuha ng mga part time jobs.

 

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JOSELITO ZAPANTA

PAMPANGA

PHL EMBASSY

PRESIDENTIAL ADVISER

SAUDI ARABIA

SAUDI COURT OF FIRST INSTANCE

SAUDI RIYAL

ZAPANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with