Sapilitang graduation donation isumbong - DepEd

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang at mga graduating students na isumbong sa kanilang tanggapan sakaling sapilitan silang singilin ng graduation donation ng mga paaralan.

Binigyang-diin ng DepEd na maging ang mga graduation donations na aprubado ng Parent-Teacher Association (PTA) ay hindi maaaring igiit sa mga graduating students.

Ayon sa DepEd, ang lahat ng PTA-approved graduation donations ay boluntaryo lamang kaya’t hindi ito maaaring ipilit na bayaran ng mga magulang.

Sakali naman umanong sabihin ng paaralan na hindi makaka-graduate ang mag-aaral kung hindi magbibigay ng donasyon ay maaari itong isumbong sa DepEd sa pamamagitan ng kanilang email address na action@deped.gov.ph

Inirerekomenda ng DepEd na ang graduation sa mga paaralan ay isagawa sa Marso 18 o 19.

Show comments