PNoy lilikha ng bagong posisyon para kay Ping

MANILA, Philippines -  Kinumpirma kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na isang bagong posisyon ang hahawakan niya sa ilalim ng admi­nistrasyon ni Pangulong Aquin pagkatapos ng termino niya bilang senador ngayong taon.

Bagaman at hindi ibinunyag ni Lacson kung ano ang magiging titulo sa bagong posisyon na lilikhain para sa kanya, sinabi niyang hindi pa ito existing pero siguragong magiging ‘very exciting at interesting’.

Posible rin umanong mas dumami ang magi­ging kaaway ni Lacson sa kanyang magiging bagong posisyon.

Sinabi rin ni Lacson na ‘in principle’ tinanggap na niya ang bagong posisyon pero nais pa rin niyang makita ang de­talye nito at kung gaano kalaki ang kanyang magiging responsibilidad at kapangyarihan.

Sa Hunyo 30 magtatapos ang termino ni Lacson sa Senado.

Bukod kay Lacson, magtatapos na rin ang termino ng isa pang kaalyado ni Pangulong Aquino na si Sen. Francis Pangilinan na chairman ng senate committee on agriculture.

Sinabi ni PNoy na nakikipag-usap na si Pangilinan kay Agriculture Secretary Proceso Alcala hinggil sa posibleng maging trabaho nito sa agriculture sector.

 

Show comments