^

Bansa

Deployment ban sa Iraq, Yemen inalis na

Doris Borja, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaari nang muling magkapagtrabaho ang mga OFWs sa Iraq at Yemen matapos na alisin na rin ng Department of Foreign Affairs­ (DFA) ang alert level matapos humupa ang ma­tinding kaguluhan sa mga naturang bansa.

Kasabay nito, nilinaw ng DOLE na para sa Iraq, kailangan aniyang bumuo muna ng bilateral agreement na siyang gagawa ng regulasyon sa pagtatrabaho ng mga newly-hired o bagitong OFW doon.

Para naman sa mga dati nang nagtatrabaho sa Iraq ay maaari na rin silang bumalik doon basta’t may maipiprisintang kontrata.

Samantala, kapwa naman naalis na ang deployment ban para sa mga newly-hired at dati nang OFW sa Yemen.

Matatandaang ipinatigil ng gobyerno ang pagpa­padala ng mga Pinoy workers sa mga nabanggit na bansa dahil sa matinding kaguluhan doon.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DOON

IRAQ

KASABAY

MAAARI

MATATANDAANG

PINOY

SAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with