MANILA, Philippines - Umapela ang PhiÂlippine Gaming ManageÂment Corp (PGMC) sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ipatigil ang on-line jueteng.
Pinagpapaliwanag din ng PGMC ang PCSO tungkol sa pag-iral ng iba pang sugal sa internet tulad ng masiao na umano’y protektado ng maÂtataas na opisyal ng PCSO.
Ayon kay PGMC legal counsel Jose Bernas, isang kompanyang tinatawag na World Reliance Trading Corp (WRTC) ang tumatanggap umano ng taya sa pamamagitan ng text messaging.
Ani Bernas, kalat na ang naturang operasyon ng WRTC at laganap na ang website nitong (www.mobilelotto.ph) na kung saan ay nakalagay na, “authorized PCSO Lotto Operatorâ€.
Anang legal counsel, ang nasabing operasyon ay hindi lamang paglaÂbag sa PGMC’s excluÂsive rights sa lottery ope rations sa Luzon, kundi ang ginawang pag-apruba ng indirect sale sa PCSO lottery tickets at walang pinagkaiba sa bookie ope ration na siyang dapat na iniiwasan ng ahensiya.
Nakapaloob sa sulat ng PGMC sa PCSO ang napag-alamang operasÂyon na pinadala sa board of directors ng ahensiya noong Lunes, March 4, 2013.
“It is a dangerous buÂsiness model to permit because it allows a bookie operation whereby the bookie can opt not to report bets to the PCSO and pocket the money therefor, much like in jueÂÂteng and masiao,†pa ngamba ni Bernas.
Nilinaw pa ng PGMC na sa dating PCSO ma nagement na nagkasundo sila na upang maprotektahan ang anumang hindi awtorisadong pag-bet ay dapat na direktang tumaya sa PCSO tulad ng lotto subalit ibinasura ng kasalukuyang board ang naturang proyekto.
Nauna rito, inakusahan ng PGMC ang PCSO na pinapaboran nito ang Pacific Online Systems Corp, ang exclusive lotto operator sa Visayas-Mindanao makaraang payagan ang huli na mag-opeÂrate sa Luzon kahit hindi dumaan sa anumang bidÂding.
Ang PGMC ay pag-aari ng listed holding company Berjaya Phils, Inc., isang unit ng Malaysia’s Berjaya Group.