MANILA, Philippines - May 11 pang miyemÂbro ng Royal Army at mga tagasuporta ni Sultan Jamalul Kiram III ang napatay sa panibagong pakikipagbakbakan sa Malaysian authority sa Semporna, Sabah, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.
Sa isang press brieÂfing, kinumpirma ni FoÂreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na 11 tagasuporta ni Sultan Kiram na pinamumunuan ng kapatid na si Rajah Muda Agbimuddin Kiram ang napatay sa sagupaan sa Simunul, Semporna habang anim ang nalagas sa panig ng Malaysian authority.
Sinabi ni Hernandez na “under control†na ng Malaysian police ang sitwasyon sa Semporna matapos ang huling sagupaan.
Ang anim na Malaysian police ay sinasabing napatay sa ambush-attack nitong Sabado ng gabi sa Kampung Sri Jaya, Simunul, Semporna sa Sabah.
Una umanong narekober ang anim na bangkay ng mga miyembro ng Royal Army at anim na Malaysian policemen sa isinagawang mopping-up operations ng Malaysian authorities sa Simunul, Semporna dakong alas-6:30 ng gabi noong Linggo.
Dahil dito, hindi bababa sa 29 katao na ang nasasawi simula nang magkasagupaan ang tropa ni Rajah Muda at Malaysian authority noong Biyernes sa Lahad Datu Sabah.
Itinanggi naman ni Malaysian Police Inspector General Ismail Omar na may apat na Malaysian officials ang hawak o bihag ngayon ng grupo ni Rajah Muda. Aniya, maling balita lamang ito na ipinakakalat ng kampo ng mga Kiram.
Nanawagan na ang DFA sa Malaysian authorities na ipatupad ang “maximum tolerance’ sa paghawak ng sitwasyon sa Sabah upang maiwasan ang muling pagdanak ng dugo at pagÂlagas ng buhay ng mga Pinoy at Malaysians.
Sinabi ni Hernandez na nananawagan din ang pamahalaan sa tropa ni Kiram sa Sabah na sumuko na at magsibalik na sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Nagtungo na rin kahapon ng hapon sa Kuala Lumpur, Malaysia si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario upang makipag-usap sa kanyang Malaysian counterpart at personal na ipasa ang kahilingan ng Aquino goÂvernment na magbigay ang Malaysia ng “full report†sa nagaganap na kaÂrahasan sa Sabah.
Nakapaloob din sa kahilingan ng Pilipinas sa Malaysia na bigyan ng clearance ang Philippine Navy ship na makarating sa Sabah upang magsagawa ng consular mission at medical care sa mga biktima at mga Pinoy na naapektuhan sa standoff para maiuwi o madala sila ng ligtas na lugar sa Simunul island.