^

Bansa

P50 M bidding sa BI niluluto

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Minamadali umano ng ilang “bugok” sa Bureau of Immigration ang P50 million halaga ng pasubasta nila dalawang linggo mula ngayon para gamitin sa 1st pace ng kanilang Automated Fingerprint Identification System o AFIS project sa kanilang computer system.

Ayon sa relia­ble source, isang Jimmy M, alyas â€˜baklita, ang sinasabing nagmomonopolyo sa BI-AFIS project kasabwat umano ang ilang bugok sa Immigration para sa grupo nila ma-award ang P50 million 1st pace ng BI-AFIS project.

Sabi ng source, noong isang taon pa raw niluto ng mga kasabwat ni Jimmy M, alyas ‘baklita’ ang AFIS project kaya naman may mga pumapalag na bidder na gustong suma­li dahil ilang linggo lamang ito inabiso para sa subasta.

Bulong ng source, ganito ang ginawang istilo para hindi na makahabol ang mga gustong sumali dahil na rin sa kakapusan sa oras para sa paggawa o preparas­yon sa kanilang dokumentong isusumite sa BI-BAC.

Tatlong pace raw ang gagawing subasta sa BI pero ang matatalo sa 1st pace ay hindi na puedeng lumahok sa mga susunod o continuation ng AFIS project.

Ayon pa sa source, alam ng nasa IT business na ang sistema ay dapat buo kung tatapusin dahil marami ang interesado sa PPP.

Sabi ng source, ang  boarder control ay maha­laga sa bansa at tiyak na hindi papayag si Pangulong Noynoy Aquino kung bulok ang gagawin sa BI.

 

AYON

BULONG

BUREAU OF IMMIGRATION

FINGERPRINT IDENTIFICATION SYSTEM

JIMMY M

MINAMADALI

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with