^

Bansa

MNLF tutulong kay Kiram

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa umano ang mga kasapi ng Moro National Liberation Front (MILF) na pinamumunuan ng kanilang founder at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari na sumuporta sa royal army ng Sultanate of Sulu na napapaligiran ng Malaysian forces kapag nadamay na ang mga sibilyan sa nagba­badyang bakbakan.

Sa panayam, sinabi ni Misuari na bagaman wala silang direktang pakikialam sa nagaganap na standoff sa Lahad Datu, Sabah ay handa naman silang tumulong sa mga Pinoy o kapatid na Muslim na madadamay sa karahasan sa Sabah.

Nilinaw din ni Misuari na hindi naka-red alert ang MNLF na handang umatake sa Sabah taliwas umano sa napaulat.

Kahapon ay kinumpirma ng namumuno sa Sultanate Royal Army na nasa Lahad Datu na si Rajah Muda Agbimuddin Kiram, ang tumatayong crown prince ng Sulta­nate of Sulu at kapatid ni Sultan Jamalul Kiram III, na may anim na commando ng Malaysian for­­ces ang tinangkang pasukin sila sa Tanduao village sa Lahad Datu.

Napilitan umanong mag-warning shot ang mga naka-alertong royal army sa Tanduao village kaya umatras ang anim na armadong ipinadala ng Malaysian authorities.

Kinumpirma rin ni Rajah Muda na may umikot na helicopter sa kanilang lugar at nagbagsak ng mga papel na nagsasabing sumurender na ang mga ito.

Sa kabila nito, mu­ling nagmatigas si Rajah Muda at sinabing lahat ng kanyang mga kasamahan ay hindi aalis sa Lahad Datu.

Binigyang-diin ni Rajah Muda na kung gusto talagang matapos ang standoff ay dapat na di­rektang kausapin ng Ma­laysian government si Sultan Kiram.

Hiniling na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na palawigin pa ng Malaysia ang itatakdang ultimatum o taning sa may mahigit 200 Pinoy na dumagsa sa Lahad Datu noong Pebrero 9 upang angkinin ang mga lupa sa Sabah na umano’y pag-aari ng angkan ng mga Kiram.

Samantala, kumikilos na ang Malaysian se­­curity units kabilang na ang kanilang army bilang paghahanda sa pag-aresto o pagsalakay.

 

AUTONOMOUS REGION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GOVERNOR NUR MISUARI

LAHAD DATU

MISUARI

RAJAH MUDA

SABAH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with