^

Bansa

Utos nilagdaan ni P-Noy P10-B ibibigay na sa Marcos victims

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sa wakas ay makakamit na rin ng mga biktima ng human rights abuses ng Marcos regime ang kanilang matagal nang hinihintay na compensation matapos lagdaan kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang Human Rights Reparation and Recognition Act of 2013 sa mismong pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng People Power revolution.

Hindi lamang maba­bayaran ang mga biktima ng human rights abuses sa Marcos regime na magmumula sa naba­wing P10 bilyong ill-gotten wealth, kundi kinikilala din nito ang mga karahasan at kalupitan na naranasan ng HR victims ng diktadur­yang Marcos, ayon naman kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr.

Ang EDSA People Power revolt nang nagkaisang mamamayan at mga sundalo ang nagpabagsak sa rehimeng Marcos noong 1986 at naging daan naman upang iluklok si Pangulong Cory Aquino sa Malacañang.

Itinayo din ang Human Rights Violation Victim’s Memorian Commission kung saan ay makikipag-ugnayan naman ito sa Commission on Higher Education at Department of Education upang ituro sa mga estudyante ang mga pag-abuso ng rehimeng Marcos at ang kabayanihan ng mga taong lumaban sa diktador.

Ayon naman sa Ma­lacañang, maging ang pa­milya ni Pangulong Aquino ay entitled sa nasabing compensation dahil biktima rin sila ng human rights violations sa ilalim ng Marcos government.

Iginiit naman ni Team PNoy senatorial candidate Sen. Loren Legarda na dapat ituloy pa din ng taumbayan ang pakikipag­laban para sa karapatang pantao matapos ang 27 taong anibersaryo ng EDSA revolt.

Samantala, suportado ng liderato ng Armed For­ces of the Philippines (AFP) ang  P10-B Human Rights Reparation and Recognition Act na pinagtibay kahapon ni Pa­ngulong Benigno Aquino kasabay ng  ika-27 taong paggunita sa makasaysayan at mapayapang EDSA People’s Power 1 Revolution.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., buhay na buhay pa sa puso ng mga sundalo ang diwa ng EDSA 1  na ma­laki ang papel na ginampanan kaya natamo ang demokrasya sa bansa.

ARMED FOR

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

AYON

BENIGNO AQUINO

PEOPLE POWER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with