MANILA, Philippines - Ikinagimbal ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang pagtatapat ng Philippine Army at ng alkalde ng Kiblawan, Davao del Sur na ang SMI-Xstrata ay nagbibigay sa Armed Forces of the Philippines ng mula P170,000 hanggang P850,000 buwan-buwan para sa pagpapadala ng mga sundalo ng Army at ng elemento ng CAFGU sa mga lugar na merong pagtututol sa SMI miÂning.
Ang pagtatapat nina Col. Flores, hepe ng 39th IB ng PA, at Kiblawan Mayor Marivic Diamante sa isinagawang pagdinig ng Kongreso sa Koronadal kamakalawa hinggil sa pagkakapaslang sa anti-mining activist na si Juvy Capion at dalawa nitong anak na lalake sa Kiblawan noong nakaraang taon.
“Lumabas na ang totoo. Ito ang paliwanag kung bakit gustong sugpuin ng Army at ng CAFGU nito ang mga tumututol sa minahan dahil mawawalan sila ng milyones kapag nahinto ang operasyon ng SMI-Xstrata,†paliwanag ni Colmenares. “IbinunÂyag ni Gen. Flores sa aming pagtatanong na 60 CAFGU ang tumatanggap ng tig-P2,500 bawat isa o P150,000 bawat buwan at regular na gasoline alloÂwance mula sa SMI-Xstrata. Si Mayor Diamante na tahasang sumusuporta sa SMI mining nang hindi pinag-iisipan ang implikasyon ay nagsiwalat na ang SMI ay naglalaan ng P7,500 sa bawat isa sa 12 CAFGU para sa kabuuang P850,000 bawat buwan. Kaya hinahabol ng AFP ang mga anti-mining activist. Kasabwat ang SMI-Xstrata officials sa pagpatay kay Capion,†sabi ni Colmenares sa isang pahayag.
Ang nabanggit na pagdinig ay isinagawa ng Committee on Cultura Communities ng House of Representatives na pinangunguluhan ni Rep. Teddy Baguilat dahil sa isang resolusyong inihain ni Rep. Luz Ilagan para alamin kung nakagawa ng masaker o hindi ang Army.
“Ang unang isyu ay kung ligal ba ang pagpopondo ng SMI sa Army o isa itong anyo ng paÂnunuhol sa public official. Ang Kongreso ay naglalaan ng badyet para sa CAFGU bawat taon. Bakit kailangang kumuha ng pondo mula sa mga pribadong kumpanyang nagnenegosyo sa lugar? Dahil sa diperensya sa mga halagang ibinibigay at sa bilang ng CAFGU na sinusuportahan ng SMI, dapat tignan ng COA kung paano ipinapalabas ang pondong ito,†sabi pa ni Colmenares.
Hindi rin anya dapat tumatanggap ng pera mula sa SMI ang pamahalaang lokal dahil meÂron itong kinalaman sa pagbibigay ng permiso o pag-apruba sa mining operation ng SMI.