MANILA, Philippines - Sakaling palarin na manalong senador, pagtutuunan ng pansin ni dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar ang probisyon sa Family Code ukol sa ‘di makatwirang pag-iwan ng mga lalaki sa kanilang mga misis at anak o katulad ng mga kasong ito.
Iginiit ni Villar, popular sa bansag na Misis Hanep Buhay, ang pagkakaroon ng simpleng mekanismo para obligahin ang isang mister na patuloy ang pagbibigay ng suporta sa iniwang pamilya na hindi na kakailanganin pang maghain ng kaso sa korte.
Aniya, masyadong matagal at magastos kung idadaan pa sa korte para obligahin ang nang-iwang mister para ipagpatuloy ang sustento sa kanyang pamilya.
“Tiyak na karagdagang pasanin ito ng mga misis. Isipin na lang natin ang mental at emosyonal na pagdurusa ng isang misis bukod sa pagod sa pag-aalaga sa kanilang mga anak,†dagdag pa ni Villar.