MOOE isyu sumabog kay Cayetano
MANILA, Philippines - Mistulang nag-boomerang kay Senador Alan Peter Cayetano ang ginawa nitong pag-iingay laban sa umano’y hindi patas na bigayan ng budget sa Senado matapos kuwestyunin ang maybahay niyang si Taguig Mayor Laarni Cayetano kaugnay din sa isyu ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Taguig City ngayong 2013.
Nabatid na ang ipinasang budget ng Taguig City para sa 2013 ay P5,355,655,184.00, batay sa Ordinance No. 46, Series of 2012. Pero ni singko ay wala umanong nakalaan para sa MOOE ng opisina ni Vice Mayor George Elias at ng Sangguniang Panlungsod. Si Elias na presiding officer ng SP ay sinasabing kalaban umano sa pulitika nina Cayetano.
Pilay na pilay daw ang tanggapan ni Elias saÂÂÂmanÂtalang nakalulula umano ang taas ng budget ng opisina ni Mayor CaÂyeÂtano na P111,842,210.00 para sa MOOE at P266,272,311.00 naman para sa personal services.
“Simula 2010, kami ng mga kasama kong konÂsehal at si Vice Mayor George Elias ay tahimik na nagdurusa. Pinalayas kami sa aming session hall kaya napilitang mag-session kahit sa hagÂdanan, tinanggalan kami ng aming mga opisina, nawalan kami ng staff dahil hindi sila pinasusuweldo ng city hall. KaÂhit driver at security detail ay wala na si vice mayor. Dahil zero ang aming MOOE, wala kaming pera kahit pambili ng papel para sa opisina namin,†ani Councilor Carlo Papa na chairman ng Committee on Appropriations.
Dismayado rin si Councilor Myla Valencia na pati mga barangay na sinasabing kalaban umano nina Cayetano ay hindi nakaligtas dahil iniipit umano ng city hall ang kanilang Real ProÂperty Tax o RPT shares.
Binanggit pa ni Valencia na sa ginawang pag-iingay ni Senador Ca yetano hinggil sa usapin ng MOOE sa Senado, marapat aniya na ang totoong nangyayari dito sa Taguig naman ang pag-usapan at bigyan ng pansin.
- Latest