Pagdiriwang ng ika-150 taong anibersaryo ng Pasay, sinimulan

MANILA, Philippines - Sinimulan na kaha­pon ang mahabang se­lebrasyon ng ika-150 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod ng Pasay sa darating na Disyembre 2 kung saan nakatutok sa pagiging “Travel City” ng lungsod.

Ipinagmalaki ni Ma­yor Antonino Calixto  ang paglago ng lungsod bilang pangunahing destinasyon ng mga dayuhang turista sa Metro Manila dahil sa pagtataglay nila ng Ninoy Aquino International Airport, world class na mga casino, shopping mall, sports arena at mga cultural centers

Sa “kick-off cere­mony” kahapon, inilun­sad ang 150 logos at iba pang memorabilia base sa ka­saysayan ng lungsod. Magkakaroon rin ng Grand Parade, Gala Night, Awarding of Outstanding Pasayeños at Pasay Organizations, Bi­ni­bining Pasay at Ms. Teen Pasay, at Pasay Marathon hanggang sa aktuwal na anibersaryo sa Disyembre 2.

Kabilang sa mga prog­ramang tututukan ng pa­mahalaang lungsod ay ang pagtapos ng ka­nilang “relocation site” sa Taytay, Rizal para sa kanilang mga pamilyang maralita at pagtatatag ng isang “holding center” sa isang lupain malapit sa Manila International Airport para maging pan­­samantalang tirahan ng mga pamilya naman na matatanggal sa mga lugar na ididebelop para maging “in-city relocation site”, dagdag na mga silid-aralan sa mga paaralan at pagtatayo ng Corazon C. Aquino National High School sa Maricaban, Pasay.

Show comments