^

Bansa

Villar umangat sa bagong survey

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagmarka ng mas ma­ taas na puntos si dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar sa pinakabagong sur­vey na inilabas ng ‘The Center-Pulso ng Pilipino’ para sa mga kandidatong senador sa midterm election sa Mayo 13.

Sa naturang non-com­missioned survey na gi­ nawa nitong January 9-17, na may 1,200 respondents sa buong bansa, lumitaw na hawak pa rin nina re-electionist senators Loren Legarda (68%), Francis Escudero (63%) at Alan Peter Cayetano (53%), ang unang tatlo sa 12 puwestong paglalabanan sa senatorial race.

Bagamat nanatili sa pang-limang puwesto si Villar, tumaas naman ang rating nito sa 48% mula sa dating 44.3% noong Nobyembre 2012. Kapantay niya sa naturang puwesto si re-electionist Sen. Aquilino Pimentel II, na mayroon ding 48%.

Si Villar, binansagang “Misis Hanep buhay,” ay maybahay at katuwang ni outgoing Sen. Manny Villar sa kanilang Villar­ Foundation; na hindi lang tumutulong sa mga nagigipit na overseas Fi­li­pino workers, kundi nagsusulong din ng mga programa sa paglikha ng kabuhayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa nakaraang pana­yam, sinabi ni Villar na kabilang sa mga nais niyang tutukan sa Senado ay mga programa tungkol sa mga kababaihan tulad ng pangangalaga sa kalusugan, kabuha­yan, at pagtataguyod sa pamil­ya at kalikasan. 

Pasok din sa tinata­wag na “magic 12” sina Rep. JV Ejercito (4), Sen. Gregorio Honasan (7), dating Sen Miguel Zubiri (8), Rep. Jackie Enrile (9), Maria Lourdes Binay (10), Sen. Antonio Trillanes (11) at Mary Grace Poe-Llamanzares (12).

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

AQUILINO PIMENTEL

CYNTHIA VILLAR

FRANCIS ESCUDERO

GREGORIO HONASAN

JACKIE ENRILE

LAS PI

LOREN LEGARDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with