Broker at importer kinasuhan

MANILA, Philippines - Kinasuhan kahapon ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon sa Department of Justice (DOJ) ang isang importer at broker matapos na tangkaing ipuslit ng mga ito ang mga peke at smuggled  na mga tela na nagkakahalaga ng P315 million.

Kinilala ni Biazon ang mga kinasuhang sina Ronaldo Cruz, may-ari ng Trio Trading Company at broker na si Merrian Misula.

Sinampahan ang mga ito ng kasong anti-smuggling  at  violation of section 3601 in relation to section 101 and 2530 of the Tariff and Customs Code of the Philippines.

Base sa record, kamakailan ay nasabat sa port ng Maynila  ng mga tauhan ni Biazon ang isang forty-footer container van, na naglalaman ng mga pekeng tela ng Mickey Mouse, Chanel at Louis Vuitton, na nagkakahalaga ng P315 million at  nanggaling ito sa bansang China.

Ang nasabing mga illegal na kargamento ay naka-consigned  sa Trio Trading Company, na pag-aari ni Ronaldo Cruz.

Show comments