^

Bansa

Comelec naghahanap ng hackers

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang pangambang inihayag kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na naghahanap sila ng mga computer hackers na maaring makapasok sa sistema ng automated elections.

Ginawa ni Brillantes ang pahayag matapos mag-meeting ang Joint Congressional Oversight Committee on Automated Election System.

“We are looking (for a computer hacker) pero wala pa kaming nakikita eh. Kasi wala naman makaka-hack ng system at this point in time,” pahayag ni  Brillantes.

Nauna rito, sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, chairman ng oversight committee kay Brillantes na maglaan ng P5 milyon hanggang P10 milyon bilang reward sa sinumang hacker na makakapasok sa kanilang sistema.

Sinabi naman ni Brillantes na kung kayang i-hack ang kanilang sistema, dapat ay matagal na itong napasok ng mga hackers.

Ang automated election system ay unang ginamit sa halalan noong 2010.

Naniniwala naman si Cayetano na posibleng walang nagtatangka na i-hack ang system ng automated election dahil walang reward at posibleng natatakot din ang mga ito na habulin ng batas.

Samantala, sinabi ni Cayetano na dapat mu­ling magsagawa ng mock poll ang Comelec 45 araw bago ang aktuwal na halalan.

AUTOMATED ELECTION SYSTEM

BRILLANTES

CAYETANO

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMELEC

GINAWA

JOINT CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

KASI

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with